Pormal nang ipinagkaloob ng Department of Science and Technology – Mimaropa sa mga lokal na pamahalaan ng Calatrava at San Agustin ang mga ginawa nilang makina na magagamit ng mga magsasaka sa paggawa ng walis tambo o soft brooms.
Ang walis tambo ay gawa sa pinatuyong tiger grass at isa sa mga pangunahing produkto ng dalawang bayan.
Kasama sa mga ipinagkaloob ng DOST Mimaropa sa mga Municipal Agriculture Office ng mga nabanggit na bayan ang portable tiger grass pollen remover at solar dryer.
Inaasahang may 34 tiger grass farmers ng San Agustin at 20 naman sa Calatrava ang makikinabang sa nasabiing proyekto.
Sinanay na rin ng DOST Mimaropa ang mga benepisyaryong magsasaka noong nakaraang linggo kung paano gamitin ang mga ipinagkaloob na makina.