Natapos na nitong weekend na maikabit ang sampung (10) bagong genset ng SUWECO Tablas Energy Corporation (STEC) sa kanilang planta sa Odiongan, Romblon.
Ayon sa pamunuan ng STEC at ng Tablas Island Electric Cooperative, ang mga bagong makinang ito ay magbibigay ng kasiguraduhan sa maayos na suplay ng kuryente sa buong Tablas ngayong paparating na tag-init.
Matutugunan umano nito ang inaasahang biglaang pagtaas pag gamit ng kuryente dahil sa nararanasang init ng panahon, pagdiriwang ng mga kapyestahan ng mga bayan at barangay at ang papalapit na eleksyon na inaasahang daragsa ang maraming tao galing sa iba-ibang lugar.
March 26 at 27 nang makaranas ng power interruption ang buong isla dahil sa paglalagay ng mga bagong makinang ito.
Batay sa datus ng TIELCO, lumalagpas na sa 8.3 MW na power demand ang buong Tabals Island noon pang 2019.
Ang sampung bagong makinang ito ng STEC ay may kapasidad na 1.1 MW kada isa.