Habang papalapit na mga tropapips ang Mayo 9 na araw ng botohan, lalo din yatang umiinit ang ulo ng ilang miron ng mga kandidato at humahantong na sa pagiging hambog at bastos.
Gaya na lang bulong ng isa nating tropapips na supporter ni presidential bet Ping Lacson sa isang lalawigan sa Visaya, na inangasan at mistulang binarako ng supporters ni presidential bet Leni Robredo.
Kung “kakampink” ang tawag sa mga supporter ni Rodredo, aba’y “kakamPing” naman ang mga naniniwala kay Lacson. Kaya kung tutuusin, hindi dapat binabastos ng mga kakampink ang mga kakamPing dahil magkatunog sila diba?
Ang bulong ng ating tropapips, nag-caravan daw sa kanilang lugar ang mga kakampink. Kabilang sa naging ruta ng caravan ang tapat ng bahay ng tropapips nating kakamPing. Dahil supporter ni Lacson, may nakalagay siyang tarpaulin sa labas ng bahay na pagpapakita ng pagsuporta sa senador na tumatakbong pangulo ng bansa.
Kahit loyalista ni Lacson, sinilip pa rin daw ng tropapips natin ang caravan ng mga supporter ni Robredo. At laking gulat daw niya nang may mga kakampink na sumigaw sa kaniya ng “panis!” at nagtawanan na parang mga Satanas.
Hindi naman nagpatinag ang tropapips natin na sumagot na, “Ano naman ngayon? At least disenteng tao [si Lacson].”
Nagulat daw ang tropapips natin sa inasal ng kakampink sa caravan. Dahil sa pagkakaalam niya, ang imahe na gustong ipakita ng kandidato nilang si Robredo kapag nagsasalita sa mga rally ay “kawawa,” mabait” at “makatwiran.”
Taliwas daw ang naturang imaheng iyon sa inaasal ng ibang kakampink na arogante at bastos kahit hindi pa man nangyayari ang eleksiyon.
Naihambing pa ng tropapips natin ang naturang mga kakampink na parang ugaling-DDS daw na nambabarako at nananakot ng mga taong hindi sang-ayon sa paniniwala nila.
Dahil hindi naman kalakihan ang lugar ng tropapips natin, tingin daw niya ay hakot ang mga iyon at dinala lang sa kanilang lugar para magmukhang mahaba at marami ang caravan.
Kilala raw niya ang mga mamamayan sa kanilang bayan na hindi ganoon ang ugali. Nakailang eleksiyon na raw siya na may kandidatong sinuportahan at naglagay ng tarpaulin sa labas ng kaniyang bahay. Pero ngayon lang daw niya naranasan may mga tagasuporta ng ibang kandidato na ganung
kayabang at kabastos.
Dahil sa sinabi ng tropapips natin na naghihinala siyang hakot lang ang kakampink na dinala sa caravan, napaisip din ang iba naman nating ayudanatics na kurimaw kung hakot din daw kaya ang mga “kakampink” na nagtungo kamakailan sa rally ni Robredo sa Quezon Memorial Circle.
Bukod daw kasi sa mayroong pa-text blast para hikayatin ang mga tao na magpunta roon, totoo rin kaya ang mga alegasyon na bukod sa pangakong libreng lugaw, ay may libreng t-shirt din at “pamasahe.”
Sabagay, iyong ganyang mga alegasyon mga tropapips eh normal na kapag panahon ng kampanya. Kaya lang, dapat mag-ingat ngayon na huwag hayaing magsiksikan ang mga tao dahil mayroon pa ring pandemya ng COVID-19. At inuutos ‘yan ng Comelec na dapat sundin ng mga kandidato.
Sabi ng naiinis nating tropapips, hindi siya nagkamali na patuloy na suportahan si Lacson. Bukod daw sa pinaka-capable na maging lider ng bansa, sumusunod daw ito sa mga patakaran, at hindi naninira ng kalaban. Kaya naman maging siya daw eh napapagaya na maging kalmado at sumagot lang pero hindi makipagbastusan sa tagasuporta ng iba.
Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko at madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)