Simula sa February 16 ay isasailalim na ang probinsya ng Romblon sa Alert Level 2, base sa bagong classification na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.
Kasama ng Romblon na ibabalik sa Alert Level 2 status ang iba pang probinsya at siyudad sa Mimaropa.
Samantala, mananatili sa Alert Level 2 status ang National Capital Region hanggang February 28 habang Alert Level 3 naman ang mga lugar ng Iloilo City, Iloilo Province at Guimaras sa Region VI; Zamboanga City sa Region IX; Davao de Oro at Davao Occidental sa Region XI; at South Cotabato sa Region XII.
Ang iba pang probinsya at lugar sa bansa ay nasa Alert Level 2 status na rin.