Simula bukas, February 16, ay hindi na kailangang mag quarantine at hindi na rin kailangan ang negatibong resulta ng antigen test ng mga uuwi sa bayan ng Odiongan, Romblon na mga fully-vaccined individual.
Ito ay batas sa resolusyong ibinaba ng Municipal Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ng bayan ng Odiongan ngayong araw.
Ito ay kasunod nang pagsasailalim sa probinsya ng Romblon sa Alert Level 2 status simula bukas.
Ayon sa resolusyon, ang mga fully-vaccinated individual ay kailangan nalamang kumuha ng Travel Coordination Permit sa s-pass.ph at iupload ang kanilang vaccination card, at ang travel order kung sila ay Authorized Persons Outside Residence (APORs).
Bagama’t wala ng mandatory quarantine, kailangan ng mg auuwi na mag monitor ng sarili sa loob ng pitong araw at sakaling may maramdamang sintomas ng Covid-19 ay kailangang mag-report sa kinauukulan.
Para sa mga unvaccinated at non-fully vaccinated individuals naman, kailangan nilang mag pasa ng RT-PCR test result kasama ang iba pang requirement.
Samantala, ang mga batang 11 years old pababa na wala pang bakuna ay kailangang sumunod sa quarantine protocol ng kasamang magulang o guardian.
Wala pang inaanunsyo na guidelines ang ibang bayan sa lalawigan.