Nagsagawa ng mini-trade fair ang Department of Trade and Industry (DTI) – Romblon sa bayan ng Odiongan kasabay ng pagdiriwang ng publiko sa araw ng mga puso.
Dito ay itinampok ng ahensya sa iba’t ibang booth ang mga produkto at pagkaing gawa ng mga Micro-, Small and Medium-sized Enterprises (MSMEs) ng bayan ng Odiongan.
Ilan sa itinampok ay ang chocolate na hinulmang bulaklak, sakto sa ipinagdiriwang noong February 14.
Ang nasabing mini-trade fair ay nilagyan rin ng iba pang mga techno demo products na ginawa ng mga nagsanay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – Provincial Training Center.
Sinabi rin ng DTI-Romblon na ang booth ay bahagi rin sa kick-off ceremony ng pagdiriwang ng town fiest ng bayan.