Nagsagawa kamakailan ang Department of Labor and Employment (DOLE) – Romblon ng simultaneous Labor Education Seminar para sa iba’t ibang establisyemento sa mga bayan ng Romblon, Magdiwang, Cajidiocan at San Fernando sa lalawigan ng Romblon.
Naglalayon itong mabigyan kamalayan ang mga negosyante at may-ari ng mga negosyo sa kanilang mga responsibilidad katulad ng pagsunod sa labor laws, pagbabayad ng buwis, at iba pa.
Itinuro rin sa kanila ang basic Occupational Safety and Health Standards upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado.
Ang nasabing training ay dinaluhan ng aabot sa 74 na participants mula sa 53 establisyemento sa mga nabanggit na bayan.