May forever sa 52 pares na magsing-irog sa bayan ng Odiongan, ito ay matapos silang sabayang ikasal sa ginanap na Kasalang Bayan 2022 noong ika-15 ng Pebrero.
Suot suot ang kanilang mga barong, at trahe de boda, sabay-sabay silang nag ‘kiss the bride’ sa harap ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Odiongan, kanilang mga pamilya, at sa harap ng pamunuan ng Philippine Statistics Authority – Romblon.
Saksi sa kanilang pag-iisang dibdib at naging kanilang ninong at ninang sa kasal sina Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, Vice Mayor Diven Dimaala, maging ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Halos libre ang lahat sa nasabing kasalan kabilang na ang napakagandang venu at decorations.
Libre rin ang make-up, sandals at iba pang gamit ng mga ikinasal.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang pagpapakasal upang maprotektahan ng saligang batas ang kanilang pagsasama kabilang na ang kanilang mga anak.