Sa pagsisimula ng Bayanihan Bakunahan 3 ngayong February 10, may aabot sa 3,071 katao ang target mabakunahan ng first dose laban sa Covid-19 sa probinsya ng Romblon.
Sa listahang ibinahagi ng Provincial DOH Office-Romblon sa PIA Romblon, pinakamaraming target mabakunahan sa dalawang araw na bakunahan.
11,365 namang Romblomanon ang target namang mabigyan ng booster dose. Ito ang mga edad 18 taong gulang pataas na nabigyan na primary doses o nakalawang doses na ng bakuna o di kaya ay isang shot ng Janssen.
Sa bayan naman ng Ferrol, bagamat naabot na nila ang herd immunity, target parin nilang makapagbakuna sa susunod na dalawang araw ng 123 katao.
Samantala, hindi naman natuloy ang Bayanihan Bakunahan 3 sa bayan ng Concepcion, Romblon matapos hindi maitawid ang mga bakuna para sa kanila dahil sa nararanasang malakas na alon patungo sa isla.
Ayon kay Ralph Falculan ng Provincial DOH Office, ang mga bakuna ay ipapadala kapag gumanda na ang panahon para maiturok na rin sa mga residente ng lugar.
Nauna nang sinabi ni Assistant Regional Director Vilma Diez ng DOH CHD Mimaropa na ang pagkakaroon ng booster shot ay makakatulong upang maiwasan ang pagkakasakit ng malubha kung sakaling tamaan ng Covid-19 variants.