May aabot sa 27 paaralan sa elementarya at sekondarya sa lalawigan ng Romblon ang nominado para mapabilang sa listahan ng mga paaralan sa bansa na papayagang magkaroon ng limitadong face-to-face (F2F) classes.
Ito ang ibinahagi ng Department of Education (DepEd) Mimaropa sa ginanap na virtual presser nitong Miyerkules.
Ayon sa DepEd Mimaropa, nakatakda sa darating na February 21 hanggang 24 ang validation at monitoring sa 27 paaralan. Kung sakaling makapasa, agad itong papayagang magkaroon ng limited face-to-face classes.
Batay sa Department of Education’s Office Order OO-OSEC-2022-003, tanging ang mga paaralang makakapasa School Safety Assessment Tool (SSAT) lamang ang papayagang makapag F2F classes at kung ang lugar ay nasa Alert Level 1 at 2.
Sinisiguro rin ng DepEd Mimaropa na ang lahat ng gurong sasabak sa F2F classes ay mga bakunado.
Dumalo sa nasabing virtual presser si Regional Director Nicolas Capulong na sinabing voluntary ang pagsabak ng mga estudyante sa F2F classes, pero kanyang hinihimok ang mga magulang na payagan ang mga bata na bumalik sa paaralan.
Narito ang listahan ng mga paaralan sa Romblon na nominado sa pagbabalik ng F2F classes.
- Comod-om Elementary School
- Alcantara Central Elementary School
- Alcantara National High School
- San Isidro Elementary School
- San Roque Elementary School
- Banton Central Elementary School
- Banton Natioanl High School
- Labnig Elementary School
- Odiongan North Central Elementary School
- Odiongan National High School
- Calabogo Elementary chool
- San Jose Central Elementary School
- San Jose Agricultural High School
- Silvino Gajarion Elementary School
- Tranquilino Cawaling MHS
- Guinbirayan National High School
- Dalajican Elementary School
- Corcuera National High School
- Mabini National High School
- Lumbang East National High School
- Cambalo National High School
- Magdiwang National High School
- Damaso Ramilo Memorial Elementary School
- Concepcion Norte Elementary School
- Sta. Maria National High School
- Esteban Minon Madrona Elementary School
- Estaban Madrona National High School