Aabot sa 206,119 katao ang rehistratadong botante sa probinsya ng Romblon na pwedeng makapagboto sa darating na Halalan ngayong 2022, batay sa datus ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon sa acting Provincial Election Supervisor sa probinsya na si Atty. Grollen Mar Liwag, ito na ay mula sa 219 na barangay o 380 voting precinct sa buong probinsya.
Aniya, pinakamarami ang botante sa bayan ng Odiongan na may 31,538 at sinundan naman ng capital town na Romblon na may 26,229 registered voters.
Pinakakakaunting may rehistradong botante naman ay ang bayan ng Concepcion, Sibale Island, na may 3,375 lamang na rehistratadong botante para sa halalan ngayong taon.