Nagdeklara ng suporta ang mga dating miyembro ng Gabinete at iba pang matataas na opisyal sa administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos para sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo bilang Pangulo ng bansa sa isang nilagdaang pahayag na nilabas nitong Huwebes, ika-13 ng Enero.
Ang pahayag ay pinirmahan ng 23 na dating matataas na opisyal, kasama na ang mga dating kalihim ng 14 na departamento na bahagi ng Gabinete ni Pangulong Ramos.
Ipinangako nila ang kanilang tulong para maging susunod na Pangulo si Robredo.
“We believe that the country sorely needs a leader who will inspire unity, solidarity and teamwork in government and among all Filipinos; empower our people, especially the disadvantaged and marginalized in society; and bring out the best of servant leadership in government officials and public servants by being the foremost example of integrity, dedication, professionalism, level-headedness, statesmanship, pursuit of excellence, hard work, and true caring and sharing for our fellow Filipinos. These are the leadership qualities that we directly witnessed President Ramos espouse and exemplify, and which we seek in the next President of our country,” sabi ng pahayag.
Sinabi ng mga dating opisyal ng Gabinete na tinuturing nilang kritikal na sangang daan ang darating na halalan para sa bansa, lalo na’t nagsusumikap bumangon ang Pilipinas mula sa pinsalang dulot ng pandemya.
“We believe that Vice-President Leni Robredo is the only presidential candidate who possesses the above-described qualities, and who can credibly lead us Filipinos closer towards that dream,” ani ng mga opisyal sa kanilang pahayag.
Ikinalungkot din nila ang pagkalat ng fake news at iba pang uri ng maling impormasyon na ayon sa kanila ay maaring makaapekto sa kampanya para sa halalan sa Mayo 2022.
Sa isang tweet, sinabi ni Robredo na “[I am] humbled by the support of Cabinet members and senior officials of the Ramos administration.”
“I look up to the leadership that FVR espoused, which I believe was affirmed by the brilliant people who served alongside him—matitino at mahuhusay,” sabi niya.
“Marami po ang nagsasabi na FVR had one of the best pool of Cabinet secretaries in recent years. Honored by the faith you have placed upon me, Sirs and Ma’ams. Makakaasa po kayo na lagi kong sisikapin to be worthy of the trust that you and our fellow Filipinos have given me,” dagdag niya.
Ang Ramos administration ang nagbukas sa ekonomiya ng Pilipinas at nagbigay daan para maging newly industrialized country ito sa ilalim ng programang Philippines 2000 matapos ang ilang dekada ng maling pamamahala sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos.