Magpapatupad ng mas striktong protocol ang lokal na pamahalaan ng Magdiwang sa mga dadating sa kanilang bayan mula sa ibang probinsya, kasunod ito ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Metro Manila.
Sa inanunsyo ng Magdiwang MDRRMO, sinabi nila na simula Janaury 6 ay kailangang sumailalim sa 7 araw na home quarantine ang mga fully-vaccinated at 14-days home quarantine naman sa mga unvaccinated individuals.
Sa mga dumating naman umano noong January 3 hanggang 5, pinapayuhan sila na mag ‘voluntary o precautionary isolate’ o ihiwalay muna sa mga kasama sa bahay sa loob ng pitong araw bilang pag-iingat.
“RESPONSIBILIDAD ng bawat isa ang kaligtasan ng nakararami. Isaalang-alang lagi ang ating pamilya, ang ating mga kaibigan at ang ating pamayanan sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID,” ayon sa kanila.
Ang Magdiwang ang unang bayan na nagpatupad ng pagbabago sa health protocol kasunod ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Metro Manila.