May dalawang persons of interest na ang pulisya na iniimbestigahan kung may kinalaman sa karudumal na krimen na nangyari sa San Jose, Romblon noong January 26.
Ayon sa ulat ng Police Regional Office Mimaropa, natukoy na ng Romblon Provincial Forensic Unit ang posibleng dinaanan ng suspek na pumatay sa mag-inang Mendoza.
Inaantay na lamang umano ng pulisya ang autopsy sa mga nasawi.
Maalalang Miyerkules nang matagpuang walang buhay si Wielyn Maximo Mendoza, 29, at kanyang dalawang anak na si Boy at Jun, pawang menor-de-edad, sa kanilang bahay sa Sitio Upper Hinulugan, Brgy. Poblacion.
Galing pa umano ng birthday party ang tatlo sa kanilang kapitbahay at umuwi kasama ang isang Charlie Seraspi bandang alas-10:30 ng gabi.
Bandang alas-8 na nang umaga ng matagpuan ang walang buhay na katawan ng tatlo sa kanilang kwarto ng isang Wilbert Mendoza, kapitbahay nila.
Sa post mortem examination ng San Jose District Hospital, lumalabas na nagtamo ng pitong saksak si Wielyn, at tig-apat na saksak naman ang kanyang mga anak.
Ipinag-utos na ni Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia sa Romblon Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU) na tumungo ng San Jose para tumulong sa mas malalim na imbestigasyon sa krimen
Article updated last January 27, 2022 at 7:00PM.