May halos 4,000 na magsasaka sa probinsya ng Romblon ang nakatanggap ng cash subsidy mula sa Department of Agriculture – Mimaropa bilang augmentation sa kanilang pangangailangan ngayong may pandemya.
Ayon sa DA-Mimaropa, aabot sa 19,610,000 pesos ang perang inilaan nila para sa 14 na bayan sa probinsya.
Ang pondo nito ay mula sa General Appropriations Act para sa taong 2021, bilang pondo sa RCEF-RFFA Program ng ahensya na naglalayong magbigay ng unconditional cash assistance na nagkakahalaga ng Limang libong piso sa mga smallholder RSBSA-registered na nagsasaka ng dalawang ektarya ng palayan at pababa.
Nagsimula ang pamamahagi sa ilang bayan kahapon January 25, at matatapos naman sa January 28.
Sa bayan ng Odiongan, nagsimula ang pamamahagi ng cash subsidy ngayong Myerkules.
Batay sa datus ng Department of Agriculture, ito ang bayan na may pinakamaraming magsasaka, o 866 magsasaka, na mabibigyan ng cash subsidy.