Magpapatupad ng halos dalawang linggong academic health break ang Department of Education sa Romblon simula ngayong Miyerkules, Janaury 19, bilang tugon sa patuloy na pagtaas na kaso ng Covid-19 sa lalawigan.
Sa nasabing academic health break ay suspendido ang pagkakaroon ng pasok ng lahat ng teaching personnel maging ang mga online classes ng mga estudyante sa Elementarya at Sekondarya.
Suspendido rin ang distribution at retrieval ng modules sa nasabing mga araw.
Ayon sa DepEd Romblon, maaring ipagpalipaban muna hanggang sa susunod na mga linggo ang pagpasa ng mga class requirements.
Samantala, ang suspension ng klase sa mga pribadong paaralan ay nakadepende parin sa kanilang pagpapasya.
Magtatagal ang nasabing academic health break hanggang Janaury 28.