Naabot na ng bayan ng Ferrol ang ‘herd immunity’ matapos mabakunahan ang 70% na target ng Department of Health sa kanilang adult population.
Sa ulat ng Provincial Health Office sa ginanap na Provincial Local Health Board Meeting kahapon, January 4, iniulat na ang bayan ng Ferrol ay nakapagbakuna na ng 118% ng kanilang adult population o 5,932 na ang fully vaccinated sa target nitong 5,044.
Malapit na ring maabot ng bayan ng Odiongan ang herd immunity na ngayon ay may fully vaccinated ng 31,710 ng target population nitong 32,856.
Kasunod nito ang bayan ng Banton, at Concepcion.
Sa datus ng buong lalawigan, kailangan pa ng 22% ng probinsya upang maiturong na may herd immunity na sa buong lalawigan.
Samantala, bagamat naabot na ng bayan ng Ferrol ang herd immunity, ipagpapatuloy parin ng mga health workers sa lugar ang pagbabakuna sa mga pwedeng bakunahan at ang pagbibigay ng mga booster shoots sa mga bakunado nang indibidwal.