Opisyal na binuksan ngayong January 12 ang mga bagong lagay na Free-Wifi hotspots ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa iba’t ibang munisipyo sa Romblon.
Sa maikling programa online, sinabi ni Director Cheryl Ortega ng DICT Field Operations Office – Luzon Cluster 3 na 36 free-wifi sites sa 17 lokasyon ang binuksan ng DICT sa Romblon.
Karamihan sa mga bagong lagay na hotspots na ito ay matatagpuan sa mga plaza at parke.
Kabilang sa mga bayan na nilagyan ng hotspots ang mga bayan ng Calatrava, San Andres, Odiongan, Ferrol, Looc, Santa Fe, Alcantara, Santa Maria, San Agustin, Romblon, Banton, Cajidiocan, Concepcion, Corcuera, Magdiwang at San Jose.
Virtually na tinanggap ng Provincial Government ang proyektong ito ng DICT sa lalawigan.
Sa mensahe ni Vice Governor Felix Ylaga, sinabi nito na malaking bagay ang pagkakaroon ng mga wifi-hotspots sa mga sentro ng bayan dahil mas mabilis itong mapuntahan ng mga may kailangan ng internet connections.
Sinabi rin nito na kailangan na kailangan ito ng publiko lalo na ngayong may pandemya.
Hiniling rin ni Ylagan na mapangalagaan ito, at magamit sa tama at importanteng bagay ang libreng wifi.
Nauna nang nilagyan ng DICT ng Wifi-hotspots ang mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA sa lalawigan.
Dumalo sa programa online ang mga alkalde ng iba’t ibang bayan sa Romblon na nakatanggap ng proyekto.