Sisimulan nang itayo ang 22 unit ng solar street lights sa Barangay Ambulong, Corcuera, Romblon na proyekto ng Kalahi-CIDSS o Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng kabuoang P838,675 kung saan P205,660 rito ay contribution ng lokal na pamahalaan.
Sa ground breaking ceremony na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng bayan at barangay, sinabi ni Mayor Elmer Fruelda na magandang proyekto ito para mabigyan ng maliwanag na ilaw ang mga kalsada sa barangay.
Aniya, ang mga ikakabit na street lights ay mga high-end na street lights o magagandang klase kaya makakasiguro umano ang publiko na tatagal ang nasabing proyekto.
Inaasahang matatapos ang konstruksyon nito sa loob ng 21 araw.