(Updated October 2022) Nahihirapan ba kayong bumiyahe patungong Romblon ngayong holiday season dahil sa dagsa ng mga pasahero sa Batangas Port? May paraan upang hindi kayo makipagsiksikan.
Pwedeng dumaan ang mga pasahero sa Dalahican Ferry Terminal sa Lucena.
Dahil bukas na ang lalawigan ng Romblon sa mga pasaherong bakunado, siguraduhin lamang na dala ninyo ang inyong mga vaccination card bago bumiyahe papasok ng probinsya.
SA METRO MANILA
Kung naihanda na ang mga papeles, unang kailangan pumunta ng biyahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kung saan matatagpuan ang mga bus na biyaheng Dalahican Port, Lucena.
Oras-oras po ang byahe ng bus mula PITX patungong Lucena mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
SA DALAHICAN PORT
Pagdating sa Dalahican Port, kailangan niyong ipakita ang inyong Vaccination Card.
Araw-araw ang biyahe ng Star Horse Shipping Lines mula Lucena patungong Calatrava, Sibuyan, San Agustin at Romblon at umaalis ito kada-4 ng hapon.
Tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Sabado naman dadaan ang Starhorse sa isla ng Simara; at tuwing Martes, Huwebes, Biyernes at Linggo dadaan sa isla ng Banton.
PAGDATING SA MGA ISLA SA ROMBLON
Posibleng hanapan ulit kayo ng vaccination card kaya ihanda na lamang ito. Sa labas ng terminal ay may nag-aabang nang mga masasakyan gaya ng jeep, van, at tricycle na babiyahe patungo sa inyong destinasyon.