Isinailalim ngayong December 16 sa Tropical Cyclone Wind Signal #2 ang buong lalawigan ng Romblon dahil sa banta ng Bagyong Odette.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang bagyong Odette kaninang alas-4 ng hapon sa layong 330 km East ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay ni Odette ang lakas ng hangin na aabot sa 150 km/h malapit sa gitna at bugsong aabto sa 185 km/h.
Tinatahak nito ang West Northwestward na direksyon sa biis namang 25 km/h.
Sa ngayon, nakataas na ang Signal #3 sa mga probinsya ng Southern Leyte, southern portion ng Leyte, Bohol, eastern portion of Cebu kasama ang Camotes Islands, Dinagat Islands, Surigao del Norte, northern portion ng Agusan del Norte at northern portion ng Surigao del Sur.
Maliban naman sa Romblon, signal #2 rin ang nakataas sa Mainland Masbate, Ticao Island, Cuyo Islands, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, ilang bahagi ng Leyte, ilang bahagi ng Cebu kasama ang Bantayan Islands, Negros Oriental, Negros Occidental, Siquijor, Guimaras, Iloilo, Antique, Capiz, Aklan, ilang bahagi ng Surigao del Sur, ilang bahagi ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, northern portion ng Bukidnon, Misamis Oriental, Camiguin, extreme northern portion ng Misamis Occidental, at extreme northern portion ng Zamboanga del Norte.
Signal #1 naman ang nakataas sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias Island, Marinduque, southern portion ng Quezon, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, northern and central portions ng Palawan kasama ang Calamian, Cagayancillo at Kalayaan Islands, northern portion ng Davao Oriental, northern portion ng Davao de Oro, northern portion ng Davao del Norte, natitirang bahagi ng Misamis Occidental, natitirang bahagi ng Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, northern portion ng Zamboanga del Norte, northern portion ng Zamboanga del Sur, at ang northern portion ng Zamboanga Sibugay.
Ngayong araw, asahan ang malakas na pag-uulan sa Caraga, Central Visayas, Misamis Oriental, Camiguin, Southern Leyte, at Negros Occidental. Habang moderate ot heavy rains na may minsahang intense rains sa Leyte, the southern portions of Eastern Samar and Samar, Zamboanga del Norte, Lanao del Sur, and the rest of Northern Mindanao. Light to moderate with at times heavy rains naman sa Bicol Region, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Quezon, and the rest of Visayas, Zamboanga Peninsula, and mainland Bangsamoro.