Nananatiling nasa state of calamity ang lalawigan ng Palawan dahil sa pananalasa ng bagyong Odette kamakailan.
Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Christian Jay Cojamco, nasa P36.4 milyon ang inilaang pondo ng pamahalaang panlalawigan mula sa calamity fund para matulungan ang mga biktima ng bagyo.
Una rito ay inaprubahan ni Acting Governor Dennis Socrates ang ipinasang resolusyong ng sangguniang panlalawigan na nagdedeklara ng state of calamity sa lalawigan.
Samantala, kasalukuyan ring nasa state of calamity ang lungsod ng Puerto Princesa, kung saan nasa P250 milyon ang inilaang pondo ng pamahalaang panglunsod.
Ayon kay City Information Officer Richard Ligad, tinatayang nasa P281.3 milyon ang halaga ng napinsala ng bagyong Odette sa siyudad.
Matatandaang libo-libo ang nawasak na mga bahay at kabuhayan sa Palawan dulot ng bagyong Odette. (MCE/PIA-MIMAROPA,PALAWAN)