Inaasahan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na makakapasok ngayong araw ang Bagyong Rai sa Philipiine Area of Responsibility. Sa sandaling makapasok ang Bagyong Rai tatawagin itong bagyong Odette.
Biernes naman inaasahan ng Pagasa na aabot ang bagyo sa Hilaga at Sentral Palawan. Ang mga lalawingan ng mga Mindoro at Romblon ay pasok rin sa kalaparan ng bagyo.
Sa pagsusuri ng Mines and Geosciences Bureau Mimaropa sa limang araw na forecast ng DOST Pagasa nitong December 13, may mga lugar sa rehiyon ang posibileng bahain at pangyarihan ng landslide.
Ang listahang ito ay magbago depende sa ikikilos ng Bagyong Odette sa loob ng bansa.
Sa ulat ng MGB Mimaropa, may 642 na barangay ang maaring maapektuhan ng bagyo.
Pinakarami sa Oriental Mindoro, 322 na barangay at sa Palawan sa 289. Dalawamput lima sa Romblon at anim sa Occidental Mindoro.
Nagsasagawa ng mga sariling pagsusuri ang bawat Disaster Risk Reduction and Management Councils ng mga lalawigan kabilang ang Marinduque.
Narito ang iba pang mga barangay sa Romblon na nasama sa listahan ng MGB.