Isang mangingisda mula Quezon ang napadpad sa bayan ng San Agustin, Romblon matapos itong masiraan sa gitna ng pagbiyahe.
Ang mangingisda ay kinilalang si Henry Neiz Orongan, 40, residente ng Barangay Pagsangahan, San Francisco, Quezon.
Kwento ni Orongan, December 26 ito nang umalis sa kanilang lugar sakay ng motorized banca para mangisda ngunit habang nangingisda ay nasiraan ang kanyang banca.
Doon na ito tinangay ng malalakas na alon patungo ng Barangay Cawayan sa San Agustin.
Agad naman siyang tinulungan ng mga residente ng lugar.
Kwento ni Orongann, dalawang gabi at isang araw itong palutang-lutang sa tubig hanggang sa sumadsad sa baybayin ng Romblon.
Nasa pangangalaga na ito ngayon ng Barangay official ng Cawayan at inaasahang ibabiyahe pabalik ng Quezon kung maganda na ang panahon.