Binigyan noong Lunes ng Philippine Coconut Authority (PCA) ng insitibo ang ilang coconut farmer sa Barangay Pangulo sa bayan ng Calatrava, Romblon.
Ayon sa PCA, ang mga farmer beneficiaries ay binigyan ng tulong sa ilalim ng Diversification Program (Banana Intercropping) 2020.
Ang mga nasabing benepisyaryo ay kasama rin sa mga naapektuhan ng pagkalat ng cocolisap sa barangay noon pang mga nakaraang taon na nakaapekto sa mga pananim na saging, niyog, avocado at iba pa.
Pinangunahan nina CCDO Hazel Noche at CCDO Marysel Manlolo ang pamamahagi sa insintibo.