Aabot sa 400 na indigent na kabataan kasama ang ilang out of school youth ang tumanggap ng pamasko mula sa Odiongan Youth Development Office at sa lokal na pamahalaan.
Bago ang pasko, tumanggap sila ng mga noche buena package.
Ginanap ang gift-giving activity sa Odiongan South Central Elementary School kung saan nag-aaral ang ilan sa kanila.
Sa isang pahayag, pinasalamatan ni Odiongan Youth Development Office Engr. Reden Escarilla ang lokal na pamahalaan ng Odiongan sa patuloy na pagtulong sa mga kabataang tinaguriang pag-asa ng bayan.
Maliban sa noche buena package, tumanggap rin sila ng cash allowance bilang pamasko rin sa kanila.