Masaya ang pasko ng 112 na pamilya mula sa 13 barangay sa bayan ng Odiongan matapos tumanggap sila ng maagang pamasko mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Pines Estate Gaming Corporation (PECG), STL agent-corporation na nag-ooperate sa Romblon.
Bilang bahagi kasi ng 87th year Anniversary ng PCSO, nagsagawa sila ng gift giving activity na tinawag nilang “Handog Pasasalamat sa mga Ka-Barangay Ko”, kung saan nagbigay sila ng mga grocery package sa mga benepisyaryo.
Naglalaman ang grocery packagae ng mga gatas, kape, milo, face masks at face shield at iba pang grocery items. Nakatanggap rin ang mga benepisyaryo ng tig-isang sako ng 10kg ng bigas.
Sa kanyang welcome message, sinabi ni PECG Operations Manager Noel Corpuz na masaya ang PCSO at ang PECG dahil nakakatulong sila hindi lamang sa mga benepisyaryo maging sa kanilang mga pamilya na makikinabang sa mga gift packs.
Samantala, sa mensahe naman ni Administrative Officer III at Branch Head ng PCSO Romblon na si Ms. Kristy Fetalver, pinasalamatan nito ang mga namumuno sa PCSO sa pangunguna ni PCSO Chairperson Anselmo Simeon P. Pinili kasama sina PCSO General Manager Royina Marzan Garma at mga miyembro ng PCSO Board of Directors, AGM for Branch Operation Sector Atty. Lauro A. Patiag, Department Manager for Southern Tagalog and Bicol Region Irma S. Guemo, at PCSO Batangas Branch Manager Lady Elaine R. Gatdula.
Aniya, nagpapasalamat siya sa mga ito dahil sa walang sawang pagbibigay saya at tulong sa mga Pilipino.
Hinikayat rin nito ang publiko na tangkilikin pa ang mga programa ng PCSO kasama ang PCSO Lotto dahil marami ang natutulungan nito.
Dumalo rin sa nasabing gift giving activity ang iba pang kawani ng Philippine Charity Sweepstakes Office Romblon Branch na sina Mr. Ariel Gala, Ms. Kathy Foja at Ms. Mary Rose Fallaria; at mga kawani ng Pines Estate Gaming Corporation na sina Mr. Ariel Desipeda, Ms. Gelyn Faderon, Renante Robles at Nilo Matala.