(Updated October 2022) Narito ang ilang gabay kung paano makakarating ng Romblon mula sa Metro Manila. Bago bumiyahe, siguraduhin munang vaccinated, upang tuloy-tuloy ang iyong biyahe papasok ng probinsya.
SA METRO MANILA
Kung naihanda na ang mga papeles, unang kailangan pumunta ng biyahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Araneta Bus Terminal at iba pang terminal na may direktang biyahe patungong Batangas Port.
Ang pamasahe sa bus patungong Batangas ay mahigit P300 lamang kada tao.
SA BATANGAS PORT
Pagdating sa Batangas Port, kailangan niyong ipakita ang inyong aprubadong Vaccination Card kung meron.
Araw-araw ang biyahe ng Montengro Shippine Lines at Starlite Shipping Lines mula Batangas Port patungong Odiongan, Romblon at umaalis ito kada-5 hapon at alas-6 ng gabi. Ang pamasahe rito ay naglalaro hanggang P1,500 depende sa akomodasyon.
May biyahe rin ang mga barko ng Kho Shipping Lines patungong Sibuyan Island at Romblon Island; at 2Go Travel patungo rin ng Odiongan, Romblon.
PAGDATING SA MGA ISLA SA ROMBLON
Posibleng hanapan ulit kayo ng vaccination card kaya ihanda na lamang ito. Sa labas ng terminal ay may nag-aabang nang mga masasakyan gaya ng jeep, van, at tricycle na babiyahe patungo sa inyong destinasyon.