Tila nangyayari na nga ang isa sa mga ‘scenarios‘ na naunang naging sapantaha dito sa Though of Wisdom noong Nobyembre 1, sa posibilidad na pagtakbo ni Mayor Sara Duterte sa national na position, bagamat nakapag file na ito ng COC bilang re-electionist mayor ng Davao City. At heto na nga, nitong Nobyembre 9 ay nag-withdraw na ito ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng Davao City, kasabay din ng pag-withdraw ng kanyang kapatid sa pagka-vice-mayor, upang pumalit sa kandidatura ni Mayor Sara bilang mayor ng nasabing lungsod.
Sabagay, hindi na rin nakapagtataka kung nag-withdraw man si Mayor Sara dahil obvious naman na ang target nito ay national position, dahil sa mga nagkalat na tarpulin sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may mga letrang ‘Sara All’, ‘Run Sara Run’ at iba pa.
Ngayon, ang haka-haka ng marami, maaaring tumakbo si Mayor Sara bilang Vice-President, katambal ni Marcos Jr.. Ang iba naman, at mismong ang malapit na kaalyado nitong si Deputy Speaker Joey Salceda ang nagsabi na presidente ang tatakbuhin ni Mayor Sara, at una pa man din ay ito na talaga ang tumbok nito.
Well, kung totoo ang mga nababasa natin na magpupulong umano si Mayor Sara kasama ang 90 na congressmen, at ang dating pangulong GMA, pahiwatig ito na may hatak na suporta nga itong si Mayor Sara. So ano pa ang punto na tatakbo ito bilang VP ni Marcos Jr., gayong so far, wala tayo nababasa sa balita na suportado si Marcos Jr., ng maraming mga kongresista. Samakatuwid, mas mataas ang posibilidad na Presidente nga ang tatakbuhin ni Mayor Sara, at maaaring si Marcos Jr. ang bumaba sa pagka VP ka-tandem ni Mayor Sara (Scenario 1).
E paano kung hindi bumaba si Marcos Jr. at ituloy pa rin nito ang pagtakbo sa pagka-pangulo? Maaari rin ito, dahil una pa lang mukhang ito talaga ang punterya ni Marcos Jr. at tila suportado ito ng mga dating supporters ni PRRD. Kaso, kung si Mayor Sara nga ay tuluyang tatakbo sa pagka-pangulo, most-likely, ung mga supporters ni PRRD na si Marcos Jr. na ang sinusuportahan ngayon ay kakalas, at babalik ang suporta kay Mayor Sara.
So dagdagan natin ang mga scenarios.
Scenario 6: Tatakbong Presidente si Mayor Sara, at si Sen. Bong Go pa rin ang VP nito (Sara Duterte – Bong Go)
Tulad nga ng naunang nasabi, kung mas may nakikitang suporta para kay Mayor Sara mula sa mga mararaming kongresista, GMA at iba pang kilalang pulitiko na may balwarte, hindi nga option para kay Mayor Sara na tumakbo bilang VP ni Marcos Jr., kundi tatakbo ito sa pagka-pangulo bilang kapalit ni Sen. ‘Bato’ Dela Rosa.
Scenario 7: Magwi-withdraw si Sen. Pacquiao at bababa sa pagka-bise-presidente bilang tandem ni Mayor Sara (Sara Duterte – Pacquiao)
Kahapon ay naibalita na nakipagpulong si Senator and presidential aspirant Manny Pacquiao kay PRRD. Wala naman umanong mahabang pinag-usapan ayon sa Malacanang. Pero malay ba natin ang totoong pinag-usapan ng dalawa. Idagdag pa rito ang pahiwatig ni Senator at vice-presidential aspirant Bong Go na maapektuhan ang pagtakbo nito sa pagka-bise-presidente dahil umano sa mga pangunahing pagbabago sa mga desisyon at pagtalima nito sa kagustuhan ni PRRD. Kaya tuloy, ang haka-haka ng marami, magwi-withdraw ito sa kanyang pagtakbo bilang bise-presidente.
Scenario 8: Sara Duterte – Rodrigo Duterte
How about ang plano diumano ni PRRD na tumakbo bilang Senador? Well, maaari rin pero tila malayo rin na gustuhin pa ni PRRD na maging senador pa, sa halip tumakbo na lang din ito, sa pinakahuling araw ng substitution na bise-presidente ni Mayor Sara. May mga nauna ng haka-haka o pasaring na tatakbo bilang VP si PRRD, kaya nga naging kontrobersyal noong mga nakaraan pang mga buwan kung maaari nga bang tumakbo sa pagka-bise-presidente ang isang presidente sa pagtatapos ng termino nito. At tila OK lang naman ang ganitong setup sa mga supporters ni PRRD.
Scenario 9: Disqualification of Marcos Jr.
Hindi magiging pabor sa kampo ni Mayor Sara kung tatakbo nga man itong presidente at kalaban si Marcos Jr. dahil sabihin nating mahahati ang boto ng mga dating supporters ni PRRD na ngayon ay si Marcos Jr. ang sinusuportahan. At dahil dyan, tila magiging pabor kung hindi maging kalaban si Marcos Jr. pero halimbawa na ayaw nga nitong bumaba bilang VP ni Mayor Sara, eh malamang umusad ang disqualification case kontra rito at tuluyan nga itong ma-disqualify.
Well, sa huli ano man ang maging scenario, ang susunod na kapalaran ng ating bansa sa ilalim ng bagong pamunuan at matataas na opisyal ng ating gobyerno ay nakasalalay sa iyong tamang pagboto.
What’s your thought?