Tuloy-tuloy parin ang bakunahan sa bayan ng Santa Maria sa Romblon upang maabot ng bayan ang herd immunity laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Isa ang bayan ng Santa Maria sa may mababang datus sa lalawigan pagdating sa Resbakuna ng pamahalaan.
Batay sa talaan ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, may 22% lamang ng 1,231 ng senior citizen sa bayan ang fully vaccinated habang 49% na ng 420 ng mga may comorbidities ang fully vaccinated.
Sa mga kasama naman sa A4, 268 lamang ng 1,488 na mga manggagawa ang fully vaccinated.
Ayon kay Mayor Lorilie Fabon, nakakaapekto sa desisyong magpabakuna ng publiko ang mga pekeng impormasyon o fake news mula sa social media kaya gumagawa na sila ng mga paraan upang masugpo ito.
Nakikipagtulungan na rin sila sa mga barangay officials at sa Rural Health Unit upang sa mainam na information drive kaugnay sa Covid-19 vaccines.
Hihilingin niya rin sa RHU na magbakuna kahit Sabado at Linggo para mas mabilis na maabot ng bayan ang Herd Immunity.