Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagpapatupad ng Alert Level System sa ilang lugar sa bansa kabilang ang Mimaropa.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, simula November 22 hanggang 30 ay isasailalim sa Alert Level 2 ang Benguet, Abra at Kalinga sa Cordillera Administrative Region; Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Romblon, Palawan at Occidental Mindoro sa Mimaropa.
Alert Level 2 rin ang Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Sur at Agusan del Norte sa CARAGA Region; at Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Samantala, isasailalim sa Alert Level 3 ang mga lugar ng Apayao, Mountain Province at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Dinagat Islands sa CARAGA; at Sulu in BARMM.
Dahil ang Romblon ay isasailalim sa Alert Level System 2 na, papayagan na ang iba’t ibang aktibidad kagaya ng parties, wedding receptions, engagement parties, wedding anniversaries, debut and birthday parties, family reunions, bridal o baby showers.
Papayagan na ring buksan ang libraries, archives, museums, galleries, exhibits, parks, plazas, internet cafes, billiard halls, amusement arcades, bowling alleys, skating rinks, archery halls, swimming pools, at iba pa.
Pwede na rin ang face-to-face or in-person classes sa mga paaralan basta aprubado ng Office of the President o di kaya ay CHED.
Maari na ring payagan ang contact sports kung aaprubahan ng lokal na pamahalaan.
Ang buong patakaran sa pagpapatupad ng Alert Level System sa probinsya ng Romblon ay nakadepende parin sa ilalabas ng Provincial IATF at ng Provincial Government.