Isang pagyanig ng lupa ang naramdaman sa proinsya ng Romblon bandang 2:25 ng hapon nitong Lunes, November 22.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro nito ay naitala sa Corcuera, Romblon at may magnitude itong 3.7.
Tectonic ang naging dahilan ng lindol na may lalim na 10km.
Ang nasabing pagyanig ay naramdaman rin sa iba pang bahagi ng probinsya kagaya sa Romblon, Romblon at Magdiwang, Romblon.
Naramdaman rin ang pagyanig sa Calatrava, Romblon.
Intensity II naman ang naramdaman sa Roxas, Oriental Mindoro.