Sinisiguro ng Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista na magiging libre ang pagkuha ng examination para sa pag-renew ng mga driver’s license.
Ito ang pahayag ni LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante.
Aniya, ang nasabing exam at ang mga educatinal materials na bahagi ng comprehensive driver’s education program (CDEP) ay maaring ma-access online sa Land Transportation Management System (LTMS) website portal.lto.gov.ph.
“We intend to disseminate the CDEP to all and enforce the traffic violations system so we can raise the quality of Filipino drivers and improve road safety,” pahayag ni Galvante.
Sa nasabing portal, maaring makita ang ilang videos, slide presentations, at mga e-books na magagamit para sa exam, na may 25 na tanong lamang.
Ang nasabing exam ay maaring ma-access ano mang oras sa loob ng portal, at maaring i-take ulit kung hindi nakapasa.
Kung makapasa, ang isang motorista ay makakuha ng certificate sa website at ito ang maaring ipakita sa pag-renew ng lisensya sa LTO.