Isinagawa noong November 25 ang Mimaropa Enhance Partnership Against Hunger and Poverty Program (EPAHP) media launching at ceremonial signing ng Memorandum of Understanding (MOU).
Ito ay sa pagitan ng mga ahensiyang kabilang sa tututok sa program tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), at maraming iba pa.
Ayon kay Lemuel T. Tabaosares, Regional Program Coordinator ng EPAHP Mimaropa, nakasaad sa MOU ang pangako ng bawat kabahaging ahensiya ang pagbuo nila ng mga programa tulad ng pagsasagawa ng mga pagsasanay at iba pa hinggil sa pagpapatupad ng EPAHP.
Samantala, sinabi naman ni Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesperson Karlo Alexie B. Nograles na bilang Chairman rin ng EPAHP Steering Committee, siya ay nagagalak sa mga MOU at Marketing Aggreement signing events na siyang simbolo sa adhikaing maitaas ang antas ng buhay ng mga community-based organizations na kinabibilangan ng mga magsasaka, mga mangingisda, sustainable livelihood program organizations, mga cooperative at iba pang mga organisasyon.
“Sa kabilang banda ay nasisiguro nating masustansya, bago, sariwa ang mga pagkaing ibinibigay natin sa mga ina at kabataang benepisyaryo ng National Nutrition Council (NNC) Tutok Kainan Supplementation Program, ang mga daycare students ng DSWD, supplemented feeding program at batang magaaral sa ilalim ng Deped school-based feeding program. Kabilang din sa partikular na bahaging ito ng pupulasyon ang mga pasyente ng DOH-retained hospitals at ng mga medical missions groups, mga Persons Deprived of Liberty or PDLs sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at iba pang mga benepisyaryo ng ating mga naging kaakibat at kabalikat sa EPHAP Program,” saad pa niya.
Aniya, sa pamamagitan ng programang ito ay pinaprayoridad ang mga produkto ng mga community-based organizationas at farmer groups sa mga feeding programs ng ating gobyerno kung saan maliban sa pagiging sariwa,vmasustansya at ligtas ng mga produkto ay napapanatili ring abot-kaya ang presyo dahil wala nang middle man.
Dahil sa EPAHP program, nabigyan din ang mga magsasaka ng mga pagkakataon para makalapit sa mga programa ng nasyonal na ahensiya tulad ng pagpapautang sa Land Bank of the Philippines upang madagdagan ang puhunan at mapalago ang kabuhayan nila at iba pang community base organization.
Umaasa siya na lahat ng EPAHP Program partners ay makapagpatupad na ng mga programa sa buong bansa. Gumagawa na rin aniya sila ng paraan para maging institutionalized ang EPAHP program upang magtuloy-tuloy ito sa mga susunod na administrasyon. (Michael C. Escote/PIA-MIMAROPA,PALAWAN)