Nagpalabas ng bagong executive order si Governor Jose Riano na nag-uutos na pagbawalan ang mga hindi bakunado na makapag-transak sa loob ng opisina ng gobyerno.
Batay sa EO 32 na inilabas noong ika-10 ng Nobyembre, tanging mga fully-vaccinated individuals lamang ang papayagan sa lahat ng opisina ng gobyerno sa probinsya kaya dapat umano ang mga empleyado at lahat ng government officials ay dapat fully-vaccinated.
Dapat umanong magbigay ng ‘best efforts’ ang mga lokal na pamahalaan para maabot ang herd immunity laban sa Covid-19 sa kanilang lugar.
Para naman sa mga hindi pa bakunado o hindi pa fully-vaccinated, inatasan ng gobernador ang mga head of agencies at mga alkalde na maglagay ng designated area sa labas ng mga opisina para hindi umano mapagkaitan ang mga ito ng serbisyo ng gobyenor.
Matatandaang nauna ng nagpatupad nito ang lokal na pamahalaan ng San Jose, Alcantara, at maging ang ibang bayan sa probinsya.
Sa bayan naman ng Odiongan, nauna na ring sinabi ng alkalde ng bayan na hindi nila ito ipatutupad sa kanila bilang respeto sa karapatan ng bawat isa.