Patuloy paring hinihikayat ng Department of Health – Center for Health Development Mimaropa ang mga Romblomanon na magpabakuna sa gitna ito ng naitatalang mataas na positivity rate sa Covid-19 sa probinsya.
Base sa talaan ng Regional Epidemiology Surveillance Unit, ang Romblon ang may poinakamataas na Covid-19 positivity rate sa buong rehiyon kung saan may kasalukuyang datus na 39.11% rate.
Ibig sabihin nito ang isang kaso ay maaring makapang hawa ng 2 sa 5 kataong makakasalamuha nito.
Ayon sa RESU, sa 11,202 na sumalang sa RT PCR testing, 4,381 rito ang nagpositibo.
Nauna ng sinabi ng RESU na ang nakikitang pagtaas sa positivity rate sa probinsya ay dahil sa ginagawa nilang targeted testing kung saan lahat ng positibo sa Rapid Antigen Test ay vinevery pa sa RT-PCR testing.
Sa panayam kay Assistant Regional Director Vilma Diez ng DOH-CHD Mimaropa nitong November 6 sa Radyo Natin Odiongan, patuloy nitong hinihikayat ang lahat na magpabakuna na laban sa Covid-19. Kabilang sa mga hinikayat nito ang mga kasama sa pediatric population na magpabakuna na.
Sinabi rin ni ARD Diez na kung may naramdaman ng sintomas ng Covid-19 ay agad ng mag self-isolate upang hindi na kumalat ang virus sa loob ng isang tahanan.