Nagbabantay ang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs) at LDRRM Offices (LDRRMOs) ng iba’ ibang probinsya sa mga posibleng epekto ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) at ng Low Pressure Area (LPA) gaya ng mga pagbaha at landslides.
Ang LPA ay nasa dako ng San Vicente, Palawan sa pagtaya ng DOST Pagasa kaninang umaga.
Batay sa forecast ng DOST Pagasa, ang epekto ng LPA gaya ng pag-ulan ay maaring maranasan hanggang Lunes at posibleng lumakas habang nasa West Philippine Sea.
Nagpaalala naman ang OCD Mimaropa sa mga LDRRMOs na magsagawa ng pre-emptive evacuation kung kainakailangan sa lugar na bahain, pinangyayarihan ng landslide o kaya ay daluyong o storm surges sa mga baybaying barangay.
May 1,078 na barangay sa rehiyon ang maaring maapektuhan ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) at ng Low Pressure Area batay sa listahan ng mga barangay ng MGB ng mga lugar na maaring bahain o pangyarihan ng landslides.
Sa ngayon ay nakabukas ang virtual Emergency Operation Center ng RDRRMC Mmaropa para sa mabilisan koordinasyon ng mga LGU at ng mga pangrehiyong ahensiya ng pambansang pamahalaan.
TIngnan ang mga listahan ng MGB ng mga barangay na posibleng bahain at pangyarihan ng landslide sa ibaba. Kung mga mapa ang kailangan makita. kopyahin akng link na ito at ilagay sa inyong browser: https://region4b.mgb.gov.ph/archive/press-release/370#palawan