Pinagsisira ng Department of Trade and Industry (DTI) – Romblon ang ilang hindi sertipikadong mga paninda sa probinsya ngayong Biyernes, October 29.
Ayon kay Ms. Gina Maaño, Senior Trade and Industry Specialist ng DTI-Romblon, tatlumpu’t tatlong mga unbranded na monoblock chairs, at may dalawapung unbranded na tying wires ang kanilang sinira.
Aabot sa P58,150 ang kabuoang halaga ng mga ito.
Sinabi ni Maaño na ang mga hindi sertipikadong mga paninda na ito ay nakumpiska ng kanilang team sa ilang tindahan sa probinsya ng Romblon matapos walang maipakitang sertipiko ang mga may may-ari nito.
Ang kakulangan o kawalan ng sertipikasyon ng mga nasabing kagamitan ay nangangahulugan na hindi ang mga ito dumaan sa quality control at inspection ng DTI. Maari itong ikapahamak ng mga consumers na bibili at gagamit nito.
Ito rin ay malinaw na paglabag sa Department Administrative Order No. 2 series of 2007 o ang Violations of the Consumer Act of the Philippines and Other Trade and Industry Laws.