Mag-uulat ang National Commission on Indigenous Peoples o NCIP – Mimaropa hinggil sa kalagayan ng mga katutubo ng rehiyon bilang pakikisa sa Indigenous People’s Month bukas, ika-15 ng Oktubre.
Ang Mimaropa ay may 21 grupo ng mga katutubo na naninirahan sa lahat ng mga lalawigan kabilang ang Marinduque.
Sa Ulat ng Katutubo, mababanggit din ang mga programang inihahain sa mga kumunidad para sa kanilang kapakinabangan.
Sa taong ito, pinangunahan muli ng NCIP Mimaropa ang pagpapakilala sa iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan sa mga kumunidad via zoom meetings kabilang na rito ang kinaikalangang dokumento mula sa Philippine Statistics Authority, CORDS Mimaropa, DOH-CHD-Mimaropa at ELCAC.
Mapag-uusapan din ang mga produkto, kultura kabilang ang sayaw at awit ng mga katutubong kumunidad.
Mapapanood ang Ulat sa Katutubo sa FB page ng NCIP Mimaropa simula sa ika-7 ng umaga hanggang tanghali (Lyndon Plantilla/PIA Mimaropa)