Ayon sa ABC-CBN Covid-19 Vaccination Tracker, nasa 26,187,334 ng first at second doses ang naipamahala pa lang, 30,639,055 naman ng first dose lang ang naipamahala na as of October 26, 2021. Samantala, maliit ito kung ihahambing sa total na 77,999,240 doses na naipamahagi na sa buong bansa as of October 25, 2021, mula sa total 98,655,290 doses na dumating sa bansa as of October 27, 2021. Nangangahulugang mabagal ang pagbabakuna sa mga lugar kung saan naipapamahagi ang mga COVID-19 vaccines, kumpara sa maraming bansa na halos narating na nila ang tinatawag na herd immunity, o majority sa mga mamamayan ay fully vaccinated na.
Ano nga ba ang dahilan bakit tila ayaw o alanganin magpabakuna ang mga tao sa Pilipinas, kahit pa ang diskarte ng ibang LGU ay may premyo, give-aways, paraffle, at iba pang pang-akit sa mga tao para lamang magpabakuna. Marami ang dahilan, narito ang ilan sa mga posibleng rason.
- Conspiracy Theories tungkol sa Bakuna. Dahil sa kakapanood ng mga tao sa YouTube, TikTok at iba pang social media sites ng mga conspiracy theories videos mula sa mga unreliable sources, na kesyo hindi maganda ang magpabakuna laban sa COVID-19 dahil umano sa matinding side effects nito. Hinahambing pa nga ang side effects sa pagiging zombie umano ng tao kapag nabakunahan ito.
- Takot na minana pa mula sa dengue vaccine controversy. Alam naman natin kung gaano naging controversial ang bakuna laban sa dengue. May mga ulat dati pa na dahil sa controversial na bakuna laban sa dengue, natakot na ang mga tao na magpabakuna laban sa tigdas at iba pang sakit.
- Walang tiwala sa bakuna na galing China. Naging controversial ang Sinovac vaccine na tila number one choice ng gobyerno, ang kaso ayaw dito ng mga tao. Alam nating lahat na naging maingay ang social media dahil sa pagtutol ng mga mamamayan sa Sinovac vaccine, dahil sa maliban na gawa itong China kung saan nagkaroon din ng conspiracy theory na ang virus diumano ay galing sa Wuhan mula sa nagleak na laboratory, mababa ang efficacy rate nito.
Mas gusto ng mga tao na kung mabakunahan man, ito ay Pfizer, Moderna o iba pang gawa sa Amerika o Europa. Hindi naman lingid sa atin na maraming sector ang nagtatanong sa gobyerno kung bakit ipinipilit nito ang Sinovac o iba pang Chinese vaccine brand, imbis na ang mas popular na Pfizer o Moderna? Ang narinig at nabasa nating paliwanag ng kinauukulan dito ay, mataas ang requirement ng Pfizer o Moderna para sa cold storage facility at hindi naman daw ito kakayanin lalo sa mga probinsya.
Pero bakit ngayong huling mga araw e, Pfizer o Moderna na rin ang ibinabakuna sa mga probinsya? Samakatuwid, kahit noong una pa sana ay pwede rin naman pala na Pfizer at Moderna na ang naging choice ng gobyerno para sa COVID-19 vaccination program nito.
Ikaw, nabakunahan ka na ba or isa ka sa ayaw magpabakuna? Ano ang iyong dahilan bakit ayaw mo magpabakuna?
What’s your thought?