Pinakakasuhan na ng Provincial Prosecutors Office ng Romblon ang mga suspek sa pagpatay kay dating sangguniang panlalawigan member Robert Maulion.
Sa inilabas na resolusyon ng piskalya na nakuha ng Romblon News Network, pinasasampahan ng kasong homicide ang magkasintahang sina Prince Cedrick Mendez at Shannen Amber Solis Lim.
Batay sa resolusyon na pirmado ni Atty. Rockfeller Cueto, Acting Provincial Prosecutor ng Romblon, may nakitang probable cause upang ideretso sa korte ang kaso base sa salaysay ng mga testigo sa building kung saan nangyari ang krimen.
Samantala, binasura naman ng Provincial Prosecutors Office ang kasong Obstruction of Justice na isinampa laban kina board member Maria Rhoserean Solis, Lian Erin Lim at Krissia Mallari dahil sa kakulangan ng basehan at ibedensya.
Binasura rin ang kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act na isinampa kina board member Solis at Lian Erin Lim dahil parin sa kakulangan ng ibedensya.
Maalalang si Maulion ay natagpuang patay at tadtad ng saksak sa kanyang tinitirhang building sa Barangay Tabin-Dagat, bayan ng Odiongan, Romblon noong ika-27 ng Hulyo ng nakaraang taon.