Tuloy-tuloy ang pakikipagtulungan ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Romblon sa kanilang lokal na pamahalaan sa iba’t ibang kampanya upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Sa Network Briefing News ni PCOO Secretary Martin Andanar nitong ika-21 ng Oktubre, ibinahagi ni Ma. Hannah Angelica Fontilar, SK Federation President ng Romblon, Romblon, ang kanilang mga ginawa para matulungan ang lokal na pamahalaan.
“We could not hold mass gatherings po, so we decided to help the LGU and the barangay government units in Romblon in providing food assistance for our community especially during those days strict community quarantine was implemented in the country. (Hindi po kami makapag-organisa ng mass gatherings, kaya pinagdesisyunan namin na tulungan nalang ang LGU at ang mga Barangay government units sa Romblon na mabigyan ng food packs ang komunidad lalo na noong ipinatutupad sa buong bansa ang stiktong community quarantine),” pahayag ni Fontilar.
“We had to realign some of our funds for purchasing food packs. We distributed these food packs per household into different barangays in our municipality. (Kinailangan naming mag-realign ng mga pundo pambili ng mga food packs. Ito ang ipinamigay namin sa mga kabahayan dito sa Romblon), ” dagdag pa nito.
Kabilang rin sa mga naitulong ng mga kabataan sa bayan ay ang ginagawa nilang mga information drive sa iba’t ibang barangay upang mahikayat ang mga kabataang magpabakuna laban sa Covid-19.
Ibinida rin ni Fontilar na ang mga lahat ng 31 Sangguniang Kabataan Chairperson sa buong bayan ay fully vaccinated na at halos lahat ng miyembro ng konseho ng mga SK sa iba’t ibang barangay ay bakunado na rin.
Sa huling datus ng Rural Health Unit ng Romblon nitong October 20, aabot na sa 5,709 na indibidwal ang fully vaccinated habang 9,779 naman ang nabigyan na ng first dose ng bakuna.
Tulong sa mga kabataan sa pagsisimula ng klase
Hanggang sa pagbubukas ng klase sa mga paaralan ay tuloy-tuloy parin ang mga programa ng Sangguniang Kabataan sa Romblon.
Ayon kay Fontilar, namahagi sila ng mga school supplies sa ilang kabataan at school supplies assistance naman para sa iba’t ibang paaralan sa bayan at mga day-care centers.
“Education is realy one of our top priorites, kaya working with DepEd para mas mapalawak at mapaganda ang bawat programa para sa edukasyon ng ating kabataan, is a must, lalo na ngayong pandemya,” pahayag ni Fontilar.