Isang Voters Education Campaign ang inorganisa ng mga kabataan sa bayan ng Odiongan nitong Biyernes, October 22, sa pamamagitan ng virtual platform na Zoom.
Layunin ng programa na himukin ang mga kabataan sa bayan at sa probinsya na bumoto ng naaayon sa kanilang karapatan, konsensiya at makapili ng lider na tunay na maglilingkod sa bansa sa darating na Election 2022.
Naging tagapagsalita sa nasabing forum sina Bishop Dindo Ranojo ng Tarlac, at Mr. Rodne Galicha, Convenor ng Aksyon Klima Pilipinas.
Ang nasabing webinar ay dinaluhan ng 20 youth organizations sa Odiongan at mga mag-aaral ng Romblon State University.
Hatid ang programa ng Odiongan Youth Development Office at ng mga myembro ng konseho nito.