Ramdam na talaga ang kapaskuhan sa bayan ng Magdiwang sa kabila ng nararanasang pandemya.
Ito ay matapos pailawan ang giant Christmas tree at iba pang Christmas decorations na inilagay sa Rizal Park at munisipyo ng lokal na pamahalaan ng Magdiwang ngayong gabi, October 7.
Sa kabila ng pailaw, nagkaroon din ng kaunting programa at fireworks display ang bayan.
Ayon kay Mayor Arthur Tansiongco, ang nasabing pailaw ay nagsisilbing mga liwanag bilang inspirasyon sa mga residente na maging matatag at positibo sa kabila ng iba’t ibang hamon ng buhay, lalung-lalo na’t sa kinakaharap na pandemya.
Layunin ng lokal na pamahalaan na maghatid ng saya ngayong panahon ng pandemya. Tiniyak din ng LGU na nasusunod ang health protocol sa pamamasyal dito.
Magtatagal ang mga dekorasyon hanggang sa pagpasok ng bagong taon.