Ang lokal na pamahalaan ng Odiongan sa pakikipagtulungan ng Persons With Disability Affairs’ Office at Hand and Heart ay nag organisa kamakailan ng pagsasanay patungkol sa basic sign language.
Layunin nito na maturuan ng mga basic na sign language ang ilang mga may kapansanan sa pakikipag-usap kasama ang kanilang magulang na magkaroon ng pamamaraan para mas mabilis silang makapag-usap.
Naging layunin rin rito ang makapagbigay ng kaalaman rin sa mga opisina para sa pag responde in case of violence or emergency cases na posibleng pagdulog ng ating mga taong may Deaf and Speech Disability.
Maliban sa kanila, dumalo rin sa virtual training na ito na nagsimula noong October 21 ang mga guro ng Special Education (SPED) ng Odiongan National High School, Odiongan North Central Elementary School at Odiongan South Central Elemenntary School.
Kasama rin rito ang ilang empleyao ng Municipal Trial Court, Municipal Police Station, Public Information Office, Rural Health Unit at mga Child Development Workers.
Ang nasabing gawain ay pinondohan gamit ang PDAO Fund at Special Education Fund (SEF).
Magtatagal ito ng labindalawang araw.