Kung noong 2016 National and Local Elections ay malaki ang naging papel ng social media tulad ng Facebook sa pangangampanya ng mga kandidato, ngayong 2022 National and Local Elections ay tiyak na mas highly demanded ang social media sa pangangampanya dahil sa mga restrictions sa face-to-face gatherings dulot ng COVID-19 pandemic.
Sa ibang mga kandidato na hindi pa gaanong sanay sa kalakaran ng social media at medyo baguhan sa nasabing platform, tila mangangamote sila kung papaano ma-maximise ang gamit at strategy ng social media platforms at iba pang digital network na pwedeng maghatid ng impormasyon sa mga botante. Iba’t iba ang platform sa social media, pero ang pinaka popular at nangunguna sa Pilipinas ay ang Facebook.
Ayon sa ulat ng Statista, noong taong 2020, tinatayang nasa 76 milyon ang users ng Facebook. Samantala, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority, ang total na populasyon ng Pilipinas as of May 2020 ay nasa 109,035,343. Kung ihahambing ang bilang ng mga Facebook users sa total populasyon ng Pilipinas, samakatuwid nasa 70% ng total populasyon ng Pilipinas ay Facebook users.
Additionally, ayon sa pagtataya ng Comelec, nasa 62-63 milyon ang bilang ng mga botante para sa 2022 elections. Now, comparing ang 76 milyon Facebook users sa 63 milyon voters, OK sabihin nating hindi lahat ng Facebook users ay botante na, pero malinawag ang datus na maaari nating masabi na nakararami sa mga botante ay Facebook users. Ito ang katotohanan ngayon na magpapabago lalo sa stratehiya ng political campaign.
Sa totoo lang, subok na ang pagiging epektibo ng social media campaign, political man o ibang adbokasiya. Ito man ang strategy na ginamit ng kampo ni President Duterte noong 2016 Presidential Election.
Sa Romblon, gaano kaya kahanda ang mga kandidato sa digital na pangangampanya? O baka naman ang akala nila ay uubra pa ang tradisyonal na pangangampanya? Sa aking opinyon, maaaring may hatak pa rin ang tradisyonal na pangangampanya, pero naniniwala ako na mas magiging epektibo ang digital na pangangampanya.
Ang tanong, papaano nga ba magsisimula ang isang kandidato para sa kanyang digital na political campaign and strategy?
What’s your thought?