Sa ginanap na Duterte Legacy Barangayanihan Caravan nitong ika-20 ng Oktobre, ibinahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) – Romblon na meron silang programa para sa ilang bakunadong indibwal sa probinsya.
Ito ang BikeCINATION Project kung saan ang mga bakunadong indibidwal laban sa Covid-19 ay magkakaroon ng pagkakataong makapag-avail ng bisikleta na magagamit nila sa kanilang negosyo.
Ayon kay Carlo B. Villaflores, Provincial Director ng DOLE sa Romblon, isa itong special program ng ahensya para mahikayat ang publiko na magpabakuna laban sa coroanvirus diease 2019 (Covid-19).
“Ang maaring mag-avail nito ay ‘yung mga kasama sa A4 category o di kaya ay graduate sila sa 4Ps program [ng DSWD],” pahayag ni Villaflores.
Nakipag-usap na umano ang DOLE-Romblon sa iba’t ibang Public Employment Services Office (PESO) managers sa mga munisipyo upang ipaalam sa kanila ang programa at para na rin makagawa ang mga ito ng mga proposals.
“Kami na ang bahala sa mga equipments na ibibigay as long as vaccinated nga sila at willing sila mag negosyo gamit ‘yung bisekleta,” dagdag pa ni Villaflores.
Hinalimbawa ni Villaflores ang mga negosyanteng naglalako ng mga isda at gulay, na pwedeng gumamit ng bisekleta sa kanilang pagnenegsyo.
Para sa mga gustong mag-apply sa nasabing programa, maaring bisitahin ang pinakamalapit na Public Employment Services Office sa kanilang lugar o di kaya ay sa opisina ng DOLE-Romblon sa bayan ng Odiongan.