Humingi na ng tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lokal na pamahalaan ng Corcuera sa Simara Island, Romblon para sa mga residente nitong naka-lockdown.
Sa isang panayam sa Romblon News Network nitong Martes, sinabi ni Corcuera Mayor Elmer Fruelda na nakipag-ugnayan na siya sa opisina ng DSWD para sa mga food-packs na hiniling ng LGU bilang augmentation.
Labing-apat na araw na naka-lockdown ang mga residente ng Barangay Poblacion upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19.
October 3 nagsimula ang lockdown at matatapos sa darating na November 5.
Sa ngayon, nanatiling sarado ang Municipal Hall at iba pang establishment sa lugar maliban sa mga may kinalaman sa emergency situtation at sa mga tindahan ng mga pagkain.