Kinilala ng National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA ang limang alkalde sa probinsya ng Romblon dahil sa patuloy na paggamit ng Local Government Unit (LGU) Geographic Information System (GIS) sa kanilang geospatial management program.
Sa ginanap na culminating activity noong katapusan ng buwan ng Setyembre, ginanap ang pagpaparangal sa limang alkalde kasama ang 20 pang alkalde mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kabilang sa mga pinarangalan ay sina Mayor Marieta Babera ng Calatrava, Mayor Elmer Fruelda ng Corcuera, Mayor Jovencio Mayor Jr. ng Ferrol, Mayor Arthur Tansiongco ng Magdiwang at Mayor Lorilie Fabon ng Santa Maria.
Pinasalamatan din ng NAMRIA ang mga nabanggit na LGU dahil sa kanilang pakikiisa sa LGU Geographic Information System Capability Assessment Survey Project ng ahensya.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pag-obserba ng ahensya sa 121st Philippine Civil Service Anniversary.