Nakataas na ngayon ang tropical cyclone wind signal #2 sa mga bayan ng San Fernando, Magdiwang, Cajidiocan, Romblon, Banton at Corcuera dahil sa banta ng bagyong Jolina.
Ayon sa 8AM Weather Bulletin ng Pagasa (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), ang natitirang bahagi ng Romblon ay kasalukuyang nasa tropical cyclone wind signal #1.
Kaninang alas-7 ng umaga, huling namataan ang mata ng bagyo sa coastal waters ng Almagro, Samar taglay parin ang lakas na 120 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 150 km/h.
Gumagalaw ito patungong West Northwestward sa bilis na 15 km/h.
Sa track ng Pagasa, hindi inaasahang dadaan ng probinsya ang bagyo ngunit lalapit ito bukas habang tinatahak ang Bicol Region.